Mga Emergency Na Tawag - Nokia 105 4G User Manual

Hide thumbs Also See for 105 4G:
Table of Contents

Advertisement

Available languages

Available languages

Nokia 105 4G (2023) User Guide
PROTEKTAHAN ANG IYONG PANDINIG
Para maiwasan ang posibleng pinsala sa pandinig, huwag makikinig sa malalakas na volume sa
mahabang panahon. Mag-ingat kapag inilalapit iyong device sa iyong tainga habang ginagamit
ang loudspeaker.

MGA EMERGENCY NA TAWAG

Mahalaga: Hindi magagarantiya ang mga koneksyon sa lahat ng kondisyon. Huwag kailanman
umasa lang sa anumang wireless na telepono para sa mahahalagang komunikasyon tulad ng
mga medikal na emergency.
Bago tumawag:
• I-on ang telepono.
• Kung naka-lock ang screen at mga key ng telepono, i-unlock ang mga iyon.
• Pumunta sa isang lugar na may sapat na signal.
1. Paulit-ulit na pindutin ang end key, hanggang sa ipakita ang home screen.
2. I-type ang opisyal na numerong pang-emergency para sa iyong kasalukuyang lokasyon.
Nag-iiba-iba ang mga numero para sa emergency na tawag ayon sa lokasyon.
3. Pindutin ang call key.
4. Ibigay ang kinakailangang impormasyon nang tumpak hangga't maaari. Huwag tapusin ang
tawag hanggang sa bigyan ka ng pahintulot na gawin ito.
Maaaring kailangan mo rin gawin ang sumusunod:
• Maglagay ng SIM card sa telepono.
• Kung nanghingi ng PIN code ang iyong telepono, i-type ang opisyal na numerong pang-
emergency para sa iyong kasalukuyang lokasyon, at pindutin ang call key.
• I-off ang mga paghihigpit sa tawag sa iyong telepono, tulad ng pagharang ng tawag, fixed
dialling, o saradong grupo ng user.
© 2023 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
18

Advertisement

Table of Contents
loading

This manual is also suitable for:

Ta-1538Ta-1551Ta-1546Ta-1553Ta1547Ta-1555

Table of Contents